this is my little place in the net. sometimes i talk with sense, sometimes i don't but what is definite...I WRITE what I THINK! and that's THAT!

LP 51 : Sapatos (Shoes)

Posted: March 25th, 2009 | Author: mil3tt3 | Filed under: litratong pinoy | Tags: | 17 Comments »

Dati’y mahilig akong mangolekta ng sapatos (sino ba namang babae ang hindi, d ba?), ngunit nung akoý magkaLUPUS at maging sensitibo ang aking paa nawalan na kong ganang mangolekta. Sapagkat lahat ng nabibili kong sapatos (mura man o mamahalin) ay isa lang ang resulta — matinding sakit sa paa na konti na lamang ay piliin kong gumapang kesa maglakad dahil sa sakit.

{Before I love to collect shoes (of course all woman love to, right?), but when I had LUPUS and my feet started to become sensitive I lose the appetite to collect. Because all the shoes that I bought (may it be expensive or cheap) it only have one result – severe foot pain that sometimes I thought of just crawling rather that walking because of the pain}

Buti na lang ngayon bumuti na ang aking kundisyon. At kasabay ng pagbuti ng aking kalagayan binayayaan din kami ng isang munting prinsesa na ngayon ay mukhang nagsisimula mangolekta ng sapatos. Ito’y bahagi ng kanyang koleksyon.

{It’s a good thing that my condition is better now. And with the better condition we were also blessed with our little princess who right now seems to start her own collection of shoes. This is part of her collection}

DSC02517 Pasensya na po at mejo madudumi na ang kanyang sapatos. Patunay lang na gamit na gamit ang mga iyan. Ung dalawang sapatos ay mga ‘hand me down items’ galing sa kanyang nakakatandang pinsan samantalang ung rubber shoes ay nabili ko sa halagang dalawadaang piso (dati syang binebenta ng Php 900).

{My apologies because the shoes are all dirty. A proof that the shoes are really used all the time. Among the four, two shoes are hand me down items from her older cousin. While the rubber shoes I was able to buy for only Php 200 (previously priced at Php 900).

Popularity: 1% [?]


Related Post

17 Comments on “LP 51 : Sapatos (Shoes)”

  1. 1 Munchkin Mommy said at 1:00 am on March 26th, 2009:

    Salamat sa Diyos at bumuti na ang iyong kondisyon! :) Mas marami akong nabibiling sapatos para sa aking anak kaysa sa akin. Ang sarap kasing bilhan ng mga gamit ang anak na babae! :D

  2. 2 cal said at 1:30 am on March 26th, 2009:

    magandang kwento:) i’m happy for you and your little girl:)
    ito pa ang isa kong lahok over at cakesandladders

  3. 3 Thess said at 2:59 am on March 26th, 2009:

    I second Weng, salamat sa Panginoon at maayos na kalagayan mo, sana ay tuloy tuloy na.

    hayyzz , kahit madumi cute shoes pa rin :)

  4. 4 Gmirage said at 4:42 am on March 26th, 2009:

    Mabuti at ok ka na, sana din bumalik ang gana mong bumili ng sapatos :D Katuwa talaga pag may anak na babae, sa totoo lang mas marami ang sapatos ng aking anak kesa sa akin eh…

    Happy LP sa yo!

  5. 5 yeye said at 9:47 am on March 26th, 2009:

    buti naman po at okay ka na..

    ang cute ng mga shoes…basta pangbata angkukyut :)

    200? mura naman! 75% discount..tama ba? hahaha

    ang aking sapatos ay andito naman:

    krismas gip :D

    HAPPY LP po! :)

  6. 6 lino said at 9:58 am on March 26th, 2009:

    cute shoes… happy huwebes… :)

  7. 7 Mhay said at 10:03 am on March 26th, 2009:

    WOW, collector na rin si anevay ng shoes! naku pareho tayo, si Jaden ang daming shoes mas marami pa sakin (LOL!) Happy LP!

  8. 8 julie said at 12:26 pm on March 26th, 2009:

    Mabuti naman at umokey ang iyong conditin, sana ay tuluy-tuloy na yan :) Cute ng mga shoes ng baby mo :)

  9. 9 JoyD said at 12:42 pm on March 26th, 2009:

    Ay ganyan din ang anak ko.. Little Miss Imelda ,, mahilig sa shoes ,, eto sya http://aussietalks.com/2009/03/litratong-pinoy-sapatos.html

  10. 10 pehpot said at 3:25 pm on March 26th, 2009:

    nakakainggit ka naman may prinsesa ka na susunod sa iyong yapak.. ako puro lalaki ang binibilhan ng sapatos

    Make or Break

  11. 11 pehpot said at 5:00 pm on March 26th, 2009:

    haha, tempting ang idea mo sis

    Make or Break

  12. 12 Arlene said at 5:24 pm on March 26th, 2009:

    i love kiddie shoes! though my kid has only few shoes when she was still small.

  13. 13 Lynn said at 9:01 pm on March 26th, 2009:

    Good to note umaayos ang kondisyon mo.

    Pag laki-laki pa ng anak mo, mas mangongolekta pa ‘yan ng mga sapatos. Baka pati ternong bags pa. :)

  14. 14 MArites said at 10:08 pm on March 26th, 2009:

    natutuwa ako’t umaayos ang iyong kondisyon. ang gaganda ng mga sapatos ng anakmo :)

  15. 15 kathycot said at 11:16 pm on March 26th, 2009:

    hang kyut!

  16. 16 HiPnCooLMoMMa said at 11:55 pm on March 26th, 2009:

    magandang balita ang iyong pagbuti.

    namana yata ni chikiting ang iyong hilig

  17. 17 peachy said at 1:46 am on March 27th, 2009:

    mabuti nmn at bumuti na ang kundisyon mo. Kaaliw ngang bilhan ng mga sapatos ang mga bata, ang cute kasi ng mga sapatos. Happy LP!


Leave a Reply