LP 48 : BaG
Posted: March 4th, 2009 | Author: mil3tt3 | Filed under: litratong pinoy | Tags: litratong pinoy | 19 Comments »Ito ang pinakagamiting bag sa aming tahanan.
{This is the most used bag in our household}
Ang trash bag. Ito’y ginagamit ko para ilagay ang aming hindi nabubulok na basura. Dito kasi sa Lungsod ng Marikina kung saan kami nakatira mahigpit ang pagpapatupad ng mga panuntunan tungkol sa pagtatapon ng basura. Kailangan may tali ang basura — rosas para sa hindi nabubulok at berde para sa nabubulok, pag walang tali nde nila hahakutin ang inyong basura. At bawal ilabas sa daan ang basura hangga’t wala ang trak ng basura sa tapat ng aming bahay. Kung hindi ay pagmumultahin ka nila.
{The trash bag. I used this to put in the non biodegradable waste. Here in Marikina, the city where we reside the local government is really serious in implementing rules when it comes to waste management. We need to put a a pink tie for non biodegrable and green one for the biodegrable or they won’t collect the garbages. Also, they won’t allow garbage to be brought out on the streets until the garbage truck is in front of your house. Otherwise there would be penalty for those who don’t follow the rules.}
At para sa mga nabubulok na basura naman ang ginagamit ko naman ay ung mga plastic bag na galing sa mga grocery stores na aking tinatabi at ginagamit ulit.
{And for biodegrable waste I use the plastic bags that came from the grocery stores which I put aside and re use.}
Popularity: 1% [?]





hahaha! oo nga! kelangan yang mga bag na yan sa ating lungsod!
Kaya pala isang malinis na lungsod ang Marikina.
happy LP
noon pa ma’y kilala na ang marikina sa pagiging malinis! magaling na lungsod!
ay tama ka nga! sa ayaw natin atg sa gusto, kailangan natin nito!:)
may ganyan din kami para sa mga tuyong dahon
mula sa puso eto aken lahok
magandang araw ka-litratista
Salamat sa pagbisita
buti naman at may ganyan ng patakaran sa Marikina, sana sa buong Pilipinas!
mahusay na lahok
Tumpak ka, kapatid – isa nga yan sa mga palaging nagagamit na bag sa bahay! Nice take on the theme, Jeanny!
Oops, sorry Milet… si Jeanny yung nailagay kong pangalan sa comment… patawad po…
Ako kusa nagse-segragate ng basura, nakahiwalay ang mga di-nabubulok upang pakinabangan pa muli
Happy Thursday
kami rin sa bahay gamit na gamit ang black trash bag at ang mga bag galing sa mall at groceries. Pero mas madalas yung used plastic bags na rin ang gingamit ko sa basura. O di ba, malaking bagay sila sa bahay
Naku, korek ka diyan! ako man gumagamit ng plastic bag galing sa grocery. At ang black trash bag, pag nawalan ay natataranta si Inday. hehehe. Happy LP!
magandang panuntunin yan at dapat tularan. Ang dami kasing matitigas ang ulo dito sa atin eh.
…nakakatuwa talaga dyan sa marikina… maganda ang pamamalakad…^_^ sana tularan nang iba…
…happy lp…akin lahok
ayyy oo nga, kami din ganyan, pero para sa mga non bio lang, kapag papel nasa karton at itatapon sa lalagyan ng papel, pag sa bote sa bote., damit etc….pero pag itim na plastic tapon agad sa mga di nabubulok…Great post!!!
Happy LP!
haha, love the first pic… happy LP!
black garbage bag for nonbiodegradable
green for biodegradable
yellow for hazardous/infectious wastes
mahilig din po ako magipon ng plastic bag. hangga’t pwede pang magamit, di ko muna tinatapon
eto naman po ung entry ko this week:
BAG
HAPPY LP po:)
ahahah. oo nga naman.
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/
corek, gamit na gamit nga ang bag na yan!
the most unique entry this week.. hahaha