this is my little place in the net. sometimes i talk with sense, sometimes i don't but what is definite...I WRITE what I THINK! and that's THAT!

LP 46 : Tipanan (Date)

Posted: February 18th, 2009 | Author: mil3tt3 | Filed under: litratong pinoy | Tags: | 21 Comments »

DSC01834

Marahil ay nagtataka kayo sa aking lahok pero sa tulad naming tinaguriang ‘OFW family’ isa itong pangkaraniwang tipanan tuwing Biernes at Sabado (araw ng walang trabaho sa Gitnang Silanganan). Salamat sa teknolohiya kahit malayo man ang aking asawa lagi naman syang nakikita ng aking anak. Ito ay nakakatulong para nde sila maging estranghero sa isa’t isa.

Ang litratong ito ay kuha noong Araw ng Puso. Gumigitara ang aking asawa habang ang aking anak naman ay kumakanta. Kahit sandali lang ay napawi ang lungkot ng aking mahal na asawa. At nakumpleto ang kanyang Valentine’s day.

{You might be wondering about my entry but for those of us who are branded as ÓFW family this is just an ordinary date every Friday and Saturday(no work days in the the Middle East). Thanks to technology even though my husband is miles away from us he can always be seen by my daughter. This way they won’t be strangers to each other.

This picture was taken last Valentine’s day. My husband is playing the guitar while my daughter is singing. Even for a while my husband forgot about his loneliness and this made his Valentine’s day complete.}

Popularity: 1% [?]


Related Post

21 Comments on “LP 46 : Tipanan (Date)”

  1. 1 jeanny said at 12:15 am on February 19th, 2009:

    Buti na lang at may internet na. Mas mapapadali ang inyong communication. Para ring kapiling nyo sya. ;)

    Happy LP

  2. 2 Cookie said at 12:18 am on February 19th, 2009:

    nakakatouch naman itong kuha mo. talagang kung gagawan ng paraan, di mo masabing malayo sa atin ang ating mga mahal sa buhay :)

    LP:Tipanan

  3. 3 CES said at 12:24 am on February 19th, 2009:

    malaking pasasalamat talga sa teknolohiya! maganda nga ito,,,noong maliliit kami, wala pang mga internet, kaya hindi namin nagawa ang mga bagay na ito habang nasa saudi rin ang papa ko:(…hanggang voice tape lang kami noon:)

  4. 4 arls said at 12:28 am on February 19th, 2009:

    aaawwww. buti naman nagkikita kayo sa ganitong paraan.

    happy LP! ito naman ang aking lahok: http://arlenesview.blogspot.com

  5. 5 adinille said at 12:59 am on February 19th, 2009:

    awwww.. very touching ang lahok mo. :)

  6. 6 Gizelle said at 1:06 am on February 19th, 2009:

    Awwww…naalala ko din noong wala pang isang taon ang aking anak, ganyan din ang gawi namin…(Aray kinurot ang puso ko!) Buti na lang kahit paano mas madali na nakikita ang mga mahal sa buhay kung nasa malayo. HAppy LP!

  7. 7 FickleMinded said at 2:23 am on February 19th, 2009:

    nakakatua naman silang dalawa, parang totoong magkaharap sila sa personal!

  8. 8 Thess said at 4:12 am on February 19th, 2009:

    Talagang nakaka touch ang entry mo! Buti na lang may internet na ngayong panahon na ito, hindi tulad nuon na ang mahal-mahal tumawag sa overseas kaya kalimitan ay tipid ang pag-uusap. Nakailang request na kanta ang baby mo? (^0^)

    Happy LP!

  9. 9 kaye said at 4:54 am on February 19th, 2009:

    aw… ang kyut. kumurot sa aking puso.

    magandang lp!

  10. 10 JoyD said at 7:22 am on February 19th, 2009:

    AHHHH….. tama nga sila ako rin na TOUCH talaga!!!!! mahirap talaga ang malayo sa mga minamhal sa buhay…..
    eto sa akin http://aussietalks.com/2009/02/litratong-pinoy-tipanan-date.html

  11. 11 ceztlavie said at 9:08 am on February 19th, 2009:

    ang sweet! nakaka-touch :)
    salamat talaga sa teknolohiya.

    ito naman ang aking lahok

    maligayang huwebes!

  12. 12 Marites said at 9:13 am on February 19th, 2009:

    Pamilyang OFW din kami noon at ang hirap nga nang hindi nagkakakitaan at nagkakausap ng matagal na panahon. Buti nalang, mas madali na ngayon at may internet at webcam na. Ang kyut naman ng litrato ng pamilya mo.

  13. 13 Dinah said at 9:39 am on February 19th, 2009:

    naluha ako sa entry mo, pramis :-)

  14. 14 carnation said at 10:41 am on February 19th, 2009:

    basta magkasama buong pamilya, kahit saan ok. ito sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp46-tipanan-date.html

  15. 15 julie said at 11:50 am on February 19th, 2009:

    Nakakaiyak pero nakakatuwa ang entry mo :)

  16. 16 bang said at 12:34 pm on February 19th, 2009:

    hay…napakalaking tulong talaga ng mga makabagong teknolohiya.

    Ito ang aking lahok: http://sweetbitesbybang.com/?p=391

  17. 17 Mayet said at 5:01 pm on February 19th, 2009:

    nakakatouch naman, pero totoo yan at least me internet para pagkitain ang bawat isa,di ba?

  18. 18 betchay said at 5:09 pm on February 19th, 2009:

    So sweet… salamat sa internet at kahit malalayo ay napapalapit din.

  19. 19 HiPnCooLMoMMa said at 9:14 pm on February 19th, 2009:

    ang cute naman, nakaka touch ang mga ganitong eksena

  20. 20 lino said at 6:08 am on February 20th, 2009:

    what would we do without the internet… :)

  21. 21 toni said at 2:02 pm on February 20th, 2009:

    salamat sa internet! napapawi ang lungkot ng mga OFWs at pati na din ang mga nandito sa pinas. eto naman ang aking lahok http://paulandtoni.com/?p=539 maligayang LP!


Leave a Reply